Lyrics Labs
Sisa Lyrics - Artist : Siakol
Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo
Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo

Isipang hinaluan ng poot at galit
Damdaming sinugatan ng matinding sakit
Sa bayang naturang naghahari ang dayuhan
Sa sariling dugo nadiligan

Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo
Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo

Saksi sa pahirap mga mapagpanggap
Kunwari’y makabayan na sagana sa sarap
Mula sa ninunong nagpatulo ng pawis
Minana ng makamundong nais

Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo
Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo

Mapagmahal na ina sa nawawalang anak
Luha’y pumapatak sa pangarap na nawasak
Nawalan ng pag-asa sa lagim na nakita
Umaasa pang may natitira

Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo
Crispin, Basilio nasaan na kayo
Hinahanap na kayo ng nanay niyo

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us