Lyrics Labs
Santa Klaws Lyrics - Artist : Siakol
Ikaw na ba yan? Oh Santa
Matagal na rin kitang gustong makita
Mula nung ako ay bata pa
Pangarap na kitang makasama
Kaya ikaw na ba yan? Oh Santa
Ikaw na ba yan? Oh Santa

Sa aming bubong ay dahan-dahan pa
Meron ka bang dala-dala
At akong bubuhat pwede ba?
Sa pagbibigay ng regalo ay tutulungan ka

At sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi
Hila ng mga reindeer na si Rudolf ang bida sa byahe
Ikaw na ba yan? Oh Santa
Balbas saradong mama at nakapula
Tuwing Pasko ikaw ay kilala
Pero di naman nakikita
Kaya ikaw na ba yan? Oh Santa

At sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi
Hila ng mga reindeer na si Rudolf ang bida sa byahe
Ikaw na ba yan? Oh Santa
Bakit sa mukha ay may medyas ka pa?
At iba ang yong kinakarga
Mga gamit naming kinukuha
Pati ang konti kong pera’y dinagit pa

Iba na ngayon si Santa
Nangayayat at mukhang naghirap na
At dapat nang mag-ingat sa kanya
Akyat bahay na ang raket niya
Si Santa Klaws ay magnanakaw na pala

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us