Lyrics Labs
Huling Unang Sayaw Lyrics - Artist : Dancel, Ebe
Isang hakbang patungo sa ating
Walang hanggan
Dinig mo ba ang diwa kong sa wakas
Panatag na

Dama kahit nakapikit
Puso mong lumalapit
Sa bawat halik, hawak mo ako
Tumitigil ang mundo

Hahagkan kita sa pangako na
Kailanman di ka na mag iisa
Wag nang mangamba, may kasama ka
Bukas natin ay walang wakas
Ang bukas, na walang wakas

Ilang hakbang na lang
Patungo sa ating walang hanggan
Dinig mo ba, bawat tibok
Ng puso ko'y sayo

Dama kahit nakapikit
Puso mong lumalapit
Sa bawat halik, hawak mo ako
Tumitigil ang mundo

Hahagkan kita sa pangako na
Kailanman di ka na mag iisa
Wag nang mangamba, may kasama ka
Bukas natin ay walang wakas
Ang bukas, na walang wakas

Ilang hakbang na lang
Nariyan na ang walang hanggan
Magkahawak ang kamay
Habang sumasabay sa ikot ng mundo

Hahagkan kita sa pangako na
Kailanman di ka na mag iisa
Wag nang mangamba, may kasama ka
Bukas natin ay walang wakas
Ang bukas, na walang wakas

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us