Lyrics Labs
Bayani Ka Ng Mundo Lyrics - Artist : Dancel, Ebe
Kung gabi ay madilim
Ang langit ay makulimlim
Kapit lang pag-asa tayo ng isa't isa

Ang iyong lakas aking lakas
Ang puso mo ay puso ko
Sabay nating babaybayin ang mundong ito
At hindi mananaig ang takot at galit

Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan
Ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo

Araw-araw kaya mong maging bayani
Kung may madapa ay iyong tulungang bumangon muli
Sa malasakit mo sa kapwa di ka mag-iisa
Ang iyong lakas aking lakas
Ang puso mo (ang puso mo)
Ay puso ko (ay puso ko)
Sabay nating babaybayin ang mundong ito
At hindi mananaig ang takot at galit

Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan
Ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo

Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan
Ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo
Bayani ka ng mundo
Bayani ka ng mundo

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us