Lyrics Labs
Maligayang Pagkunwari Lyrics - Artist : mrld
Mahal kita 'wag kang magbago
Sabihin ang lahat wag kang magtago
Ng kahit pa ano ano ang sekreto
Mahal kita pangakong 'di ako mabibigla

Pero pa'no kung hindi ko kayang ilahad
Ang mga salitang nararamdaman

O ganito na lang ba
Sa simpleng ayos lang na lang ba tatapusin
Ang lahat ng salitang gustong sabihin
Magpapalunod na lang ba sa mga lihim
O maligayang pagkunwari

Takot lang sa isipan na magbago
Ang ihip ng hangin na nandirito
Hindi alam at 'di pa sigurado
Kung pa'no ba at kung saan sisimulan

Pagod na sa pagtago ng nilalaman
Pero sige lang 'di kita sasaktan

O ganito na lang ba
Sa simpleng ayos lang na lang ba tatapusin
Ang lahat ng salitang gustong sabihin
Magpapalunod na lang ba sa mga lihim
O maligayang pagkunwari

Maayos pa ba
O pagkatapos ng lahat baka magbago
Ang pagtingin siguro lalo pang lumabo
Kaya naman takpan ng pag ngiti
O maligayang pagkunwari

Paano kung magbago
Paano kung magbago
Paano kung magbago

Mahal kita 'wag kang magbago

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us