|
Mahal Kong Maria Lyrics - Artist : Unit 406
Oh binibini, sana'y mapansin mo
Itong aking pusong ngayon lang nabihag ng husto Tila'y isang bahaghari kung ika'y pagmasdan Palaging inaabangan sa tuwing matatapos na ang ulan Kaya hindi na kikimkimin pa hahayaang sumabog hanggang mabitawan ang mga katagang "Puwede bang akin ka na lang?" Hindi naman sa minamadali pero sana'y 'wag nang patagalin Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa 'yo At ninanais kong malaman mo sagutin ma'y 'di ako hihinto Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa Nakakabighani ang 'yong mga pisngi Malabulaklak na namumukadkad sa tuwing ikaw ay ngumingiti Mahal kong Maria, huwag ka nang mangamba Sa puso'y ikaw lang mag-isa 'Di na lilingon pa sa iba Ika'y kakantahan at pagsisilbihan Handang balikan ang dating ligawan Kung 'yun lang tanging paraan Upang pagsamo ko'y pagbigyan Hindi naman sa minamadali pero sana'y 'wag nang patagalin Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa 'yo At ninanais kong malaman mo sagutin ma'y 'di ako hihinto Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa At kung sakaling may nararamdaman na para sa 'kin huwag nang ilihim Sa halip ay aminin at sabihin ang dalawang letra kong hiling Hindi naman sa minamadali pero sana'y 'wag nang patagalin Dahil tunay at walang kapantay ang pag-ibig ko sa 'yo At ninanais kong malaman mo sagutin ma'y 'di ako hihinto Habangbuhay kitang liligawan sinta pangakong hindi magsasawa Oooh... Pangakong hindi magsasawa |
Other Lyrics
|
Copyright © 2009-2024 |