Lyrics Labs
Mahilig Lyrics - Artist : Sampaguita
Ako ay tao, mahilig mag-gitara
At sa tugtugan, ako ay maligaya
Kahit ako'y nag-iisa
Mula umaga, hapon at gabi
Napupuyat sa pagkanta

Ang aking nais, walang ibang gawin
Ay kayo'y aking pasayahin
Sa himig ng aking awitin
Kay daling sayawin

Musika, tanggal ang 'yong problema
Sa musika madarama
Pag-ibig at ligaya

Musika, tanggal ang 'yong problema
Sa musika madarama
Pag-ibig at ligaya

At tuwing pagsapit ng oras sa gabi
Ako'y handa na sa aking gagawin
Upang kayo ay aking aliwin
Kahit saglit ay malunasan
Pagod ng isip at damdamin

At sa tugtugan, sa araw at gabi
Kayo ay laging kapiling
Magsama tayong lahat
Awitin ang sariling atin

Magsama tayong lahat
Awitin ang sariling atin
Magsama tayong lahat
Awitin ang sariling atin

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us