Lyrics Labs
Kung Sakaling Wala Nang Tayo Lyrics - Artist : Paraluman
Teka sandali, umayos ka muna
Iiwan din naman, sana'y 'di na nagkatuluyan
Saan nagkamali? Hindi ko maalala
Tulungan mo ako, baka pwedeng pag-usapan

Na wag, wag muna
Wag, wag muna

Kung sakaling wala nang tayo at hahayaan kitang umalis
Maaari bang dito ka muna bago mo mahanap aking kapalit?
Kung sakaling wala nang tayo, luluhod na lang at pipikit
Mananalangin ang isip magbago hanggang ang oras ay bumalik

Teka sandali, huling sulyap na yata
Iiwan na ako, wag mo munang tuluyan

Wag, wag muna
Wag, wag muna, wag muna, wag muna

Kung sakaling wala nang tayo at hahayaan kita umalis
Maaari bang dito ka muna bago mo mahanap aking kapalit?
Aaminin lahat ng talo, yayakapin ka ng mahigpit
Handang isuko ang aking mundo kapalit ng pagbalik mo sa aking tabi

Wag, wag muna
Wag, wag muna

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us