Lyrics Labs
Sandali Lang Lyrics - Artist : Over October
Sandali lang, bakit ka umalis?
Kung sino pa'ng nangakong magmamahal hanggang huli
'Di ba pwedeng balikan lang muli?
Mga pangako ng kahapon ay ngayo'y walang silbi
Paalam

Binibilang mga araw
Bawat oras at sandali
Nagsusumamo na makita
At makasama kang muli

Sabihin sa 'kin (kung pa'no nabigo)
Nagbabakasakaling (hindi 'to totoo)
Sabihin, bakit? (Kung pwede pa ito)
Sabihin sa 'kin

Sandali lang, bakit ka umalis?
Kung sino pa'ng nangakong magmamahal hanggang huli
'Di ba pwedeng balikan lang muli?
Mga pangako ng kahapon ay ngayo'y walang silbi

Paalam (Paalam)
At sana ay makita kang muli

Kahit hindi magkatugma ang pintig ng puso
Pangakong 'di malilimutan
Kahit mahirap tanggapin na wala na tayo
Bibitawan ang kamay nang ika'y makasayaw nang malaya

Sandali lang, bakit ka umalis?
Kung sino pa'ng nangakong magmamahal hanggang huli
'Di ba pwedeng balikan lang muli?
Mga pangako ng kahapon ay ngayo'y walang silbi
Sandali lang, bakit ka umalis?
'Di man lang nabasa, mga yakap mo't ngiti
'Di ba pwedeng balikan lang muli?
Pag-ibig na sinayang, kailanma'y ikukubli

Paalam (Paalam)
Paalam (Paalam)
Paalam (Paalam)
At sana ay makita kang muli

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us