Lyrics Labs
Ikaw Na Walang Hanggan Lyrics - Artist : Orange & Lemons
Kung 'di man kita nasisilayan
Sa araw-araw, o, aking hirang
Mauhaw man ako sa dampi ng 'yong labi
Ang tamis ng 'yong pagsuyo'y laging gugunitain

Gaya ng bulaklak sa kanyang bunga
Ako'y nakatanikala sa 'yong alaala
Mabuhay man ako sa kirot ng pagwalay
Pakatandaan mo, ito rin ay may hangganan

Tila sa bawat bintana ika'y natatanaw
Matimtim na naghihintay sa iyong pagdaraan

Kung 'di man angkop ang pag-ibig natin
Pagsisikapan ko at mananatili
Bibilangin ang mga sandaling ika'y kapiling sinta

Iiwasan lahat ng tukso
Maghihintay para lamang sa'yo
Hanggang sa wakas na tayo'y tunay na nagsasama

Ikaw ang aking daigdig, hindi mapapantayan
Susuungin ang sigwa at unos
Makapiling ka lang ng lubos
Hanggang sa wakas na tayo'y tunay na nagsasama
Hanggang sa wakas Mahal ko
Ikaw na walang hanggan

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us