Lyrics Labs
Dakila Ka, Bayani Ka Lyrics - Artist : Monterde, TJ
Inalay mo, ang buhay mo
Para sa kapwa tao
Mahirap man, tuloy pa rin
Ang iyong laban

Iniwan ang tahanan
Upang paglingkuran ang bayan
Di alintana ang mapapala
Sa 'di makitang banta

Dakila ka
Bayani ka
Pinasan mo ang hirap para sa'yong bansa
Kayo ang aming yaman at karangalan
Ito'y aming isisigaw kahit saan
Dakila ka
Bayani ka
Pilipino ka

Dalangin ko sa'yo Ama
Ingatan mong lahat sila
Silang mga nag-aalaga't kumakalinga

Ano mang paniniwala
Ano mang kulay nila
Nagkakaisa sa pagtulong
Sa kaligtasan ng iba

Dakila ka
Bayani ka
Pinasan mo ang hirap para sa'yong bansa
Kayo ang aming yaman at karangalan
Ito'y aming isisigaw kahit saan
Dakila ka
Bayani ka
Pilipino ka

Isang umaga'y darating
Unos lilipas din
Taimtim na dalangin
Aming hiling para sa 'yo

DAKILA KA, BAYANI KA
IWAGAYWAY ANG BANDILA
LAKAS AT TAPANG MO
IPINAGLABAN MO ANG KALIGTASAN NG PILIPINO
SAKRIPISYO, DEDIKASYON, SA TRABAHO
DI PINAGKAIT SA MGA TAO
DAKILA KA, BAYANI KA
PILIPINO KANG TOTOO

Dakila ka
Bayani ka
Pinasan mo ang hirap para sa'yong bansa
Kayo ang aming yaman at karangalan
Ito'y aming isisigaw kahit saan
Dakila ka
Bayani ka
Pilipino ka

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us