Lyrics Labs
Film Real Lyrics - Artist : Kiyo
Bagong umaga lumang sistema
Dilat ang mata pero tulog ang diwa
Tila akala ko ang buhay makulay parang libro ng pambata

Papasok para umuwi
Gigising para pumikit
Sa pag asa'y hindi makasilip
Babangon para itumba ka ulit

Itumba ka ulet, palaging ipit
Sariling kokote ay ginigipit

Nagsawang muling sumubok pagkat kahit
Kailan ay hindi pinagbigyang makatayo ulit

Totoo ba? na hawak ko ang mundo tulad ng sabi nila
Talaga bang, kayang makisabay ang nila-lang lang nila
Bat parang wala? wala talagang kahit ano sa tulad kong naiwan sa nakaraan

Ng nakadapa, dibale nalang

Kase paulit-ulit lang
Kase paulit-ulit lang

Ang mga bituin sa langit
Milyon milyon pero
Isa ay wala para sakin
Hindi ko alam
Di ko na alam
Hindi ko na alam

Ang hirap pag sarili mo ang hindi maintindihan
Ang hirap pag sarili mo ang iyong kalaban
Bakit hindi ko malaman kung bat ko nararanasan
Ang mga bagay na'to ano ba ang aking kasalanan
Kase paulit ulit lang
Paulit-ulit lang

Ayoko nang tapusin ang aking nasimulan
Ang araw hindi na muli akong sisikatan
Dahil kahit saan dalhin ang sarili
Kahit tahimik 'lang kapayapaan

Tila madaming katanungan ang nais masagot
Ngunit ayaw na malaman dahil sa takot
Sa kung ano ang hatid ng liwanag
Kaya eto bulag ayoko ng gamot

Sa liwanag ayaw nang umasa
Pagkat lahat ng sana ay nasayang
Tila di kinayang makipagsabayan
Pagka't ako'y di hamak na wala lang

Sarili hinayaan na lang
Matutunan yakapin ang dilim
Buong araw kahagkan
Buong gabi lungkot lang ang kapiling

Tanging bilin ni ina, matulog ng maaga
Kasi baka kunin ka nila.
Teka sino ba sila? ano bang gusto nila?
Di ko sila kilala. (di ko sila kilala)

Teka oo nga pala
Kagabi kausap ko pa sila
Magdamag nakabulong, 'la kong pahinga
Mga maling nagawa'y pinaalala pa nila

Ayoko na, umiikot ang mundo pero heto ako nakahiga nalang
Tanggap ko na mukhang hanggang dito nalang

Ang mga bituin sa langit
Milyon milyon pero
Isa ay wala para sakin.
Hindi ko na alam.
Di ko na alam.
Hindi ko na alam
Kase paulit-ulit lang

Paulit-ulit lang

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us