Lyrics Labs
Paalam Na Muna Lyrics - Artist : Kithara
Bawat pagsuyo ay nagtatapos
Puso'y napapagod din
Minsan kailangan aminin natin
Baka hindi para sa'tin

'Di ko man alam kung sa'n pupunta
'Di ko rin alam saan tutungo
'Di ko rin naman kasi makita
Ako'y nasa dilim
May konting liwanag

Hanggang dito na lang ang aking kakayanin
Kailangan nang magpahinga
Hahanapin ang pusong naligaw ng daan
At mayro'ng kulang
Paalam na muna

Hindi man natapos na tayong dalawa
(Paalam na muna)
Tayo'y naging iisa
(Paalam na muna)
Minsan kailangan na maghiwalay
Upang puso'y mabuhay

Oh, 'di ko man alam kung sa'n pupunta
'Di ko rin alam saan tutungo
'Di ko rin naman kasi makita
Ako'y nasa dilim
May konting liwanag

Hanggang dito na lang ang aking kakayanin
Kailangan nang magpahinga
Hahanapin ang pusong naligaw ng daan
At mayro'ng kulang

Paalam na muna sa'yo at sana'y mapatawad
(Bawat pagsuyo ay nagtatapos)
Hindi ko sinasadya
(Puso'y napapagod din)
Dadalhin ko ang bawat alaalang ito
Bibitaw na sa'yo
Paalam na muna
Paalam na muna
Paalam na muna
Other Lyrics

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us