Lyrics Labs
Gaya Ng Dati Lyrics - Artist : Jaya
Dati rati, laman ng puso mo ay ang pangalan ko
Lagi ako sa isip mo
Dati rati, inaawitan pa, labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning

Ngunit ngayon, nagbago ka
Nasa'n na ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas

Di ba't noon, samyo ng bulaklak
At ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba't noon, takbo ng oras ay
Di mo napapansin, laging naglalambing

Ngunit ngayon, naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal ko ba'y kailangan pa?
Oh...

Dati rati, mga pangako ko'y panindigan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon, sa kaibigan mo'y ako ay bukambibig
Bakit ngayon anong lamig?

'Di mo alam, ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay...
Naghihintay... ooh

Ako'y naghihintay
Lumapit ka't ako'y naghihintay...

Ang sabi mo walang hanggan
Hindi mo alam ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay

Panginoon ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin mo
Mula ngayon, ang buhay kong ito'y iaalay sa iyo
Gamitin mo ako, gaya ng dati
Gaya ng dati

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us