Lyrics Labs
Awit Ng Barkada Lyrics - Artist : Itchyworms
Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa?
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa

Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami, ang barkada mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo

Jeff, ikaw naman
Ayoko, ikaw na (ikaw na)
Sige na nga

Kung sa pag-ibig may pinag-awayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo'y 'di nagbibilangan
Kung ang problema mo'y nagkatambakan
At mga utang 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan

Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo

Oh, ikaw na
Ako nga, kanina pa naghihintay, eh
Ako nga, kanina pa naghihintay, eh

Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan
Sa 'yo ay may nakalaan
Kami'y asahan at huwag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
'Pagka't iba na nga ang may pinagsamahan

Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami, ang barkada mong tunay aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
(Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa)
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo

Kasama mo, kasama mo
Kasama mo, kasama mo
Kasama mo, kasama mo
Kasama mo, kasama mo
Kasama mo, kasama mo
Kasama mo, kasama mo

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us