Lyrics Labs
Awit Ni Ginny Lyrics - Artist : Gonzaga, Toni
Hindi maikumpara ang nasa kamera
Aking nadarama kapag kasama ka
Bawat sulyap at titig
Katumbas ay langit
Bakit nasa isip wala ng papalit

Sa'yong mga tingin

Ako'y natutunaw
bakit nalulusaw
Puso'y umaasa sa'yong pangako sinta
Ika'y maghihintay
kahit na mawalay
Ngunit lumipas at pag ibig mo'y nahimlay

Baka ang prince charming
At yun bang happy ending
Ay parang bituin
mahirap sungkitin
Paulit ulit lang
'di maintindihan
'Pag ika'y nariyan
hindi malimutan

Ang 'yong mga tingin

Ako'y natutunaw
bakit nalulusaw
Puso'y umaasa sa'yong pangako sinta
Ika'y maghihintay
kahit na mawalay
Ngunit lumipas at pag ibig mo'y nahimlay

Bakit hindi na nadala hindi na mawala
Ang 'yong pag ibig
Kahit minsan lang nadama
Ang sinabi mo sinta na tayong dalawa

Ngayo'y natutunaw
ako'y nalulusaw
Ang pusong umasa
sayo'y nagdurusa
Hindi ka naghintay
nang tayo'y mawalay
Ngayo'y lumipas at pag ibig mo'y nahimlay

Ako'y maghihintay
Kahit magkawalay
Ala-ala ng pag ibig mo'y nahimlay

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us