Lyrics Labs
Hindi Ka Papanaw Lyrics - Artist : Gary Valenciano
Mga puno ay nabubuhay
Nang daang taon
Ang Ilog ay habambuhay
Na dumadaloy
Mga batang minahal mo
Nakatanaw sa bukas
Ngunit ikaw ay wala na
Isang dahong nalagas

Ang akala ko kailanma'y
Hindi ka papanaw
Akala ko ang yong sigla'y
Walang katapusan
Katulad ng isang bukal
'Di natutuyuan
Katulad sa langit
Na walang hangganan

Hindi ka papanaw
Hindi ka umaayaw
Hangga't mga bituin
Ay hindi nabibilang
Tulad sa araw
Na hawak mo sa'yong kamay
Alab mo'y hindi mapapawi
Hindi ka papanaw

Pinakita mo sa akin
Ang sarili kong kinang
Anuman ang pangarapin
Ay kaya kong gawin
Magmahal at mangarap
Nang Malaki at malawak
Dahil ang sabi mo
Kaya nating lumipad

Hindi ka papanaw
Hindi ka umaayaw
Hangga't mga bituin
Ay hindi nabibilang
Tulad sa araw
Na hawak mo sa'yong kamay
Alab mo'y hindi mapapawi
Hindi ka papanaw

Ang pamana mong ito'y
HinDi maglalaho
Na ang lahat sa buhay ay
Pagbibigay at pagbubukas ng puso

Hindi ka papanaw
Hindi ka umaayaw
Hangga't mga bituin
Ay hindi nabibilang
Tulad sa araw
Na hawak mo sa'yong kamay
Alab mo'y hindi mapapawi

'Di ka malilimutan
Pamana mo'y iingatan
Hindi ka papanaw

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us