Lyrics Labs
Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib Lyrics - Artist : Delavin, Kisses
Mahal pala kita
Ngayon ko lamang nadama
Kung kailan nawala saka
Hinanap ka aking sinta

Ganyan pala ang umiibig
Lagi ka nang nasasaisip
Lagi kitang naaalala
Sa bawa't saglit

Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin

Sa ‘yong pagbabalik
Ibibigay ko ang langit
Wagas na pagsinta
Walang maliw na pag-ibig

Ganyan pala ang umiibig
Lagi ka nang nasasaisip
Lagi kitang naaalala
Sa bawa't saglit

Tulak ng bibig kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib, tulak ng bibig
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib, tulak ng bibig

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us