Lyrics Labs
Mag-ingat Lyrics - Artist : Ben & Ben
Noon, nakatanggap ako ng isang mensahe
Nag-aalok ng raket o negosyo

Buti nalang, ginoogle ko ang mga detalye
Scam pala't marami nang naloko

Paano ba malaman kung
Alin ang totoo?
Sa dinami-rami nang manloloko
Kailangan kong

Mag-ingat sa pang-aabuso
Ingat sa pang-aapi
Ingat ka sa nakatagong
May balak na marumi

Ako'y may nakachat at paglaon, nahumaling
Hindi naman pala siya totoong tao

Nakabasa ng balita, sinuri kung sa'n galing
Peke naman pala yung laman nito

Paano ba malaman kung
Alin ang totoo?
Sa dinami-rami nang manloloko
Kailangan mong

Mag-ingat sa pang-aabuso
Ingat sa pang-aapi
Ingat ka sa nakatagong
May balak na marumi

Nasa ating mga
Palad ang kakayahang
Suriing mabuti ang
Nababasa

Nasa ating mga
Puso ang kakayahang
Masigurado na
Tayo'y nag-iingat

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us