|
Imperyo Lyrics - Artist : Apekz
Amoy sa pagtuntong ang insenso
Aroma ng sunog na imperyo Tanggap kong malugod ang talang kaloob Ambag ni Galileong samin lang nakaluhod (Kaya) Gusto kong mangibabaw sa ilalim Kasama ang mga gintong legal kung minahin Malabo na mabulag ako sa kikitain Mas malawak ang imperyo pagsakop ang adhikain Sana lang sana lang Matyaga tong magsiga sa maski san Paningasin Sa maghapong nagsipag ay nasitang masigasig Kasama ang kasikatang tatama rin sa nakararami Inaliw ka ng kaliwa't kanang Mga balitaktakang maalinsangan Nakaligtaang nakaimbak ang Mga limbag na mas nakakabigla Pag ako napiling pantasa ng pantas sa mga pusong kinalawang Magpabaga paggutom, kumbaga matutong kumagat na buo' nilalapa Ughhh eto ang aking imperyo na terno ang mga disenyo Sa bara kong Realidad na di rin iba sa mga kinikwento Mag-inumaga sa paggapas ng aking sakahan Sa bigas ko nakipagasaran yung palay di kayang makipag-alsahan Kung banig lamang ang hinahabi ay tsak na hihiga ka saming bawat detalye Kasamang nironda mula teritoryo paggagala na sakin di pabor Kaya ibigay na kay Nero ang baso ito'y huling ikot ng Emperador (Sa...) Nagtakda ng bagong haring dagdag pa sa karwahe Ang tanda ng pagtumba ehh pagsamba at paglupagi Basta sana batas na sa huli rin mamutawi Paksang mata sa mata hanggang mapuwing si Hammurabi (ba't?) Gusto kong mangibabaw sa ilalim Kasama ang mga gintong legal kung minahin Malabo na mabulag ako sa kikitain Mas malawak ang imperyo pagsakop ang adhikain Sana lang sana lang Matyaga tong magsiga sa maski san Paningasin Sa maghapong nagsipag ay nasitang masigasig Kasama ang kasikatang tatama rin sa nakararami Dito samin, respeto mahirap kuhain Ang mga buto kaylangan unatin Quota muna bago kumaen Partida walang tisa parang tira sa bilyaran mababa ang kita Pinala ang mina hanggang sa makamit ay mala yamashita Kumalat ang balita naku po Sa mga lalawigan at pulo May bagong hari na nakaupo Nilagyan ng gasolina yung sulo Sabay ubo salain para di magkagulo Pwede makalusot dun sa kampo ko Pero kapag bulok mag magno po Bakit pako mananakop kusa nila akong tatanggapin Pano moko matatalo ang gusto iangat ka rin Huwag na huwag kang tatamarin tulad ng iba ikaw ay tatama rin Sa gitna pag hinasa ang patalim araw araw na parang walang pake Lumayo sa pangkariwan kinilala kung saan sinilang Ako ay putik na nakatanim sa aking lupang hinirang Mag iiwan ng mga barang mananatili sa isipan Walang malaking ari arian pero meron panahong pinagharian Gusto kong mangibabaw sa ilalim Kasama ang mga gintong legal kung minahin Malabo na mabulag ako sa kikitain Mas malawak ang imperyo pagsakop ang adhikain Sana lang sana lang Matyaga tong magsiga sa maski san Paningasin Sa maghapong nagsipag ay nasitang masigasig Kasama ang kasikatang tatama rin sa nakararami Ito ang aming imperyo Ito ang aming imperyo Ito ang aming imperyo Ito ang aming imperyo May bahid ng galit na pangmalawakan At hari sa hari ang nagbabanggaan Sa kalye nanggaling naapak-apakan Masakit man laging mas nakakagana Wag mapariwara marami rami ka mang ari arian na naisanla Mangyaring gampanin na maibahagi ang yaman na satin at maipamana Sa aming lakarin may naitala na't Sakaling harangin ay balewala lang Basta iba ka sa karamihan Maligaw man sa Safari may pangil aba! Parang mga animal na walang tanikala May sanib sa lapis na aming dala Isang maling galaw mo lang basa sa aking mata Hindi mo dama na minamate ka na Tangina ka kahit saan maikasa laging handa Baguhan man o yung mga kilala Pwede kang gulatin sa imperyo namin lahat bihasa |
Other Lyrics
|
Copyright © 2009-2024 |