Lyrics Labs
Tulungan Natin Lyrics - Artist : Aguilar, Freddie
Ako'y umiiwas sa away at gulo
Maraming maiinit at mahilig sa basag-ulo
Bakit kailangan pang manakit ng kapwa
Kailangan pa bang tayo'y maging siga

Kung tayo ay talagang matatapang
Bakit hindi natin harapin ang ating sarili
Sawang-sawa na tayo sa mga palabas
Hukayin naman natin ang nasa ating loob

Tulungan natin (ang mga bulag)
Tulungan natin (ang mga bingi)
Tulungan natin (ang mga ligaw)
Tulungan din natin ang ating
Ang ating sarili

Matuto na tayong gumalang sa ating sarili
Matuto na tayong umunawa ng kapwa
Tayo'y magsikap upang tayo'y umunlad
Limutin na natin ang ugaling tamad
Iwasan na natin ang ating mga ilusyon
Ikalat na natin na tayo'y isang nasyon
Kahit hindi tayo magkakakilala
Tayo'y magkakapatid at magkakasama

Tulungan natin (ang mga bulag)
Tulungan natin (ang mga bingi)
Tulungan natin (ang mga ligaw)
Tulungan din natin ang ating
Ang ating sarili

Tulungan natin (ang mga bulag)
Tulungan natin (ang mga bingi)
Tulungan natin (ang mga ligaw)
Tulungan din natin ang ating
Tulungan natin (ang mga bulag)
Tulungan natin (ang mga bingi)
Tulungan natin (ang mga ligaw)
Tulungan din natin ang ating
Tulungan natin (ang mga bulag)
Tulungan natin (ang mga bingi)
Tulungan natin (ang mga ligaw)
Tulungan din natin ang ating
Ang ating sarili

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us