Lyrics Labs
Wag Ka Na Lyrics - Artist : Parokya Ni Edgar
Nag-message ka pala
Kaninang madaling araw at
Tinatanong mo ko kung saan
Ko nabili yung hikaw na
Regalo ko sayo noong
Tayo pang dalawa
Natawa nalang ako dahil
Nangangamusta ka
Eh tandang-tanda ko pa
Kung paano ko nag-luksa
Nung iniwan mo ako
At sumama sa iba

Ikamusta mo nalang ako sa boyfriend mong maton
Na walang ginawa kundi mag-selfie at tiktok maghapon
Kumpleto nga sa abs ngunti kulang sa ambisyon
Habang ako'y nandito lang sa bago kong gas station

At salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang hanggang ngayon badtrip ang buhay ko
At kailangan ko din yun pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas okay sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa
Wag ka nang mag-abang wala nang dahilan
Para balikan ko ang nakaraan
Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensya na

Marahil ay nakita mo na ako ay masaya
Kaya di ka mapakali at nagsisisi ka
Hindi mo matanggap na may mas hihigit sayo
Hinay-hinay lang kasi sa kaka-stalk sa girlfriend ko

You had me at my best, but she loved me at my worst
Yun yung sinabi ni popoy kay basha dun sa first

At wag kang mag-alala
Dahil napatawad na kita
Wala na kong paki-alam sayo
Wag ka lang manggugulo
Mag-move on ka sana
At nawa'y mahanap mo
Kaligayahan na nahanap ko
Nung nawala ka sa mundo

Kaya't salamat at ako'y niloko mo
Kundi malamang hanggang ngayon badtrip ang buhay ko
At kailangan ko din yun pagdaanan
Upang aking malaman ang katotohanan
Na mas okay sa piling ng iba
Kung saan tahimik at mas masaya
At kahit na magpa-cute ka pa
Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa
Wag ka nang mag-abang wala nang dahilan
Para balikan ko ang nakaraan
Wag ka nang umasa pa
Magmumukha ka lang tanga
Halatang para kang nanghihinayang
Dinadaan sa simpleng landian
Wala ka nang mapapala
You had your chance kaya pasensya na

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us