Lyrics Labs
Sploof Donkers Lyrics - Artist : Ghetto Gecko
Pa'no ko ba to bibigkasin
O ipaliwanag sa inyo ng mariin
Gusto kong mahanap yung liwanag sa dilim
Na pilit itinatago ng mundo sating mga paningin
Kaya napilitan na suungin
Buhay na daming ibig sabihin
Nung binalak kong sisirin
Tila gusto kong lunurin
Tila gusto kong subukin'
Suliranin na gusto akong ubusin

Ngunit isang araw may nakita
Magandang balita na malayo sa manila
Tila katawan ko nanghihina
Inuubo, hini-hingal, parang hini-hika
Parang diyos ng mundo ay aking sinisiga
Naglalakad sa lupa
Hindi pa humuhupa
Nag gagalak habang lumuluha
Walang laman sikmura
Habang ang aking paligid ay gumaganda ng kusa

Andito lang naglalagi sa kuta at
Ang tanging kausap ko lang ay pusa at
Sarili'y iniiwas sa gulo ng mundong
Pilit kong pinagkakasiya sa sariling kong bungo
(Hoo!)
Lunod sa tukso, ngunit dama ko ang pag bugso
Ng mga damdaming di mapakawalan sa hangin
And daming makikikain kaya aking nilalamon ng buo

Ang buhay ko'y sinasagad sagaran na lumilipad
Na parang God
Mga mata'y nag liliyab
Sinisilaan mga espiritong humihikab
At natutulog
Kaya di na natututo
Mga kamalayang tumatagos sa ulo
Kaya madalas di makuha ang punto
Pagkat oras nasasayang sa mga asunto

(Running check, cutting rope I'm in the field kid)
(I'm a bogus catching heat I'm with the skid yeah)
(And I told you I don't understand defeat yet)

Yeah roll it roll it
Sige gulong
Pasa mo sa kaliwa pre
Kabisado na natin tong kalye
Dito na ko lumake, dito tumatae (uh)
Sama ka saakin lilibutin natin tong mundo
Pati kabilang bahagi nitong mga nakikita mo
Meron pala paraisong madamo, sing ganda mo
Ano ba to?
Nasan ako?
Nasan ako?
Parang di to yung kinagisnan ko na mundo
Di na pinapatahimik ng mga multong
Napalabas ko sa mga nabuksan kong pinto
Nasanay na ko sa nang gugulo
Ayos lang, goods pa rin san mang anggulo
Kung sakali man na hahanapin niyo ako
Nasa sulok lang ng paligid lang ako
Palihim na nagdadamo
Nakalutang aking isip teka panaginip lang ba to?
Araw araw laging sabado
Teka sino tong kasama ko
Kagabi e wala pa to sa kama ko
Nagpakilala sabe siya na daw ang karma ko
Niyakap ko agad lumisan at nag iwan sakin ng tanong
Kayamanan pag nagkaton, na masagot at sarili ang makatugon
Minahal ko at doon ibinaling ang tugon
Tinatanggap ng maluwag, di na ko nagsasabon
Espiritoy umaapoy di na mahawakan
Di na maabot ligaw na sa kalawakan
Tanging pakay ay maunwaan
Di ko ginustong akoy lamunin ng reyalidad ba to?
Di ko sinadya na masalo
Ang naalala ko naglalakad lamang ako sa mabato

(Running check, cutting rope I'm in the field kid)
(I'm a bogus catching heat I'm with the skid yeah)
(And I told you I don't understand defeat yet)
(And I told you I don't understand defeat yet)

(Running check, cutting rope I'm in the field kid)
(I'm a bogus catching heat I'm with the skid yeah)
(And I told you I don't understand defeat yet)
(And I told you I don't understand defeat yet)

Copyright © 2009-2024
Privacy policy - DMCA Policy - Contact Us